Sagay City massacre gustong maimbestigahan sa Senado ng opposition senators

By Jan Escosio November 08, 2018 - 08:34 AM

Hiniling ng minority senators na magkaroon ng agarang pa- iimbestiga sa Senado ukol sa Sagay City Massacre.

Layon ng Senate Resolution 929 na hindi lang mabigyan ng hustisya ang siyam na pinatay na magsasaka at matukoy ang utak ng pagpatay kundi para matugunan ang kondisyon ng mga magsasaka.

Sinabi ng minority senators, tutukuyin din ang ugat ng kabiguan ng gobyerno na ganap na maipatupad ang programang agraryo.

Magugunita na noong Oktubre 20 brutal na pinatay ang siyam na magsasaka, kabilang ang dalawang kabataan sa Sagay City.

Ang NPA ang itinuturo ni Pangulong Duterte na responsable sa masaker, bagamat may mga impormasyon na may kamay sa insidente ang mismong may-ari ng lupain.

Ang resolusyon ay inihain nina Senators Leila De Lima, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes IV, at Senate Minority Leader Franklin M. Drilon.

 

TAGS: opposition senators, sagay city, senate investigation, opposition senators, sagay city, senate investigation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.