Security guard, 4 na iba arestado sa buy-bust sa Marikina

By Jong Manlapaz November 08, 2018 - 08:32 AM SHARE(S):
EPD Photo

Dinakip ng mga pulis ang isang security guard at apat nitong kasama sa isinagawang buy-bust operation ng Marikina City Police sa Brgy. Tumana, Marikina City.

Kinilala ang mga suspek na sina Dante Dalumpines alyas Dante, 52-anyos; Adonis Paulo Bulfa alyas Adonis, 30-anyos; Randy Cruz, 49-anyos; Michael Pelon Malazarte alyas Michael, 36-anyos; at John Jasper Malibiran, 36-anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang sampung sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, P500 na ginamit bilang buy bust money at isang maliit na shoulder bag na kulay asul.

Sa inisyal nanimbestigasyon nagpositibo ang ginawang anti-drug operation ng Marikina police laban sa mga suspek.

Sa kasalukuyan, ang mga suspek ay nakapiit sa himpilan ng pulisya at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng RA 9165.

TAGS: Marikina, metro, Radyo Inquirer, Marikina, metro, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.