Pagpili sa third telco, welcome sa Malacañang

Itinuturing ng Palasyo ng Malacañang na isang ‘positive development’ ang pagpasok ng bagong major player sa telecommunications sector sa bansa.

Ayon sa Malacañang, pasado sa selection process ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Mislatel Consortium o ang pinagsanib na pwersa ng Udenna-China Telecom.

Iginiit nito na ang naganap na selection process ay transparent at patas at naaayon sa mga umiiral na batas at mga panuntunan.

Ang pagpasok umano ng third major player ay halimbawa ng uri ng pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay tularan.

 

Read more...