Laban ni Floyd Mayweather Jr. sa isang Japanese kickboxer hindi matutuloy
Kinansela ni Floyd Mayweather, Jr. ang nakatakdang kickboxing fight nito sa Japan.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Mayweather na naloko siya nang sumang-ayon siya sa kasunduan.
Makakatunggali sana ni Mayweather sa laban ang Japanese kickboxer na si Tenshin Nasukawa.
Sa unang impormasyon na inilabas, dapat ay sa New Year’s Eve gagawin ang laban.
Paliwanag ni Mayweather, sa pagkakaalam kasi niya ang pinag-uusapan nila ay patungkol sa 9-minute exhibition para sa tatlong rounds na laban na pipiliin ng Rizen Fighting Federation.
Ani Mayweather, wala sa usapan na makakatunggali niya sa Dec. 31 ang Japanese kickboxer.
Ni hindi nga umano nabanggit sa kaniya ang pangalan ni Nasukawa bilang kaniyang makakalaban.
Maging sa panig ni Nasukawa, sinabi ni Mayweather na wala din naman itong nababanggit hinggil sa laban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.