Mainit na panahon mararanasan pa rin sa buong bansa dahil sa Easterlies
Patuloy na nakakaapekto ang Easterlies sa kabuuan ng bansa.
Sa 4am weather advisory ng PAGASA, mananatiling maalinsangan at mainit ang panahon dahil sa umiiral na Easterlies.
May posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.
Posible namang makaranas ng medyo malamig na panahon ang North at Central Luzon ngayong umaga hindi dahil sa northeast monsoon o Amihan ngunit dahil sa dry air.
Ayon sa PAGASA, kapag ang hangin ay walang moisture ay hindi maalinsangan ang panahon kaya’t malamig ito sa pakiramdam.
Inaasahan namang muling iihip ang Amihan ngayong weekend sa extreme Northern Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.