WATCH: Udenna-China Tel consortium nag-iisang bidder na nag-qualify bilang ikatlong telco sa bansa

Tatlong telecommunications company ang nakapagsubmit ng bid of documents matapos ang 10am deadline kahapon.

Kabilang ang Udenna Corporation, Sear Telcom, at PT&T Company.

Pero pagdating ng unang evaluation bukod-tangi lamang Udenna ang nagqualify habang na disqualify naman ang Sear Telcom dahil walang naipakitang participation documents.

Habang kulang naman ng certification of technical capabilities ang PT&T.

Sa kabila nito may pagkakataon pa ang dalawang telcom company na maghain ng mosyon.

Ang Udenna ay una nang kinuwestyon ng Sear Telecom, dahil sa kabila ng kawalan ng prangkisa nakalahok ito sa bidding.

Partikular na nagmanifest si Atty. Gladys Velasco, isa sa mga legal counsel ng Sear Telecoms, sa bids and awards commitee at giniit nito na nakikigamit lamang umano ng prangkisa ng MISLATEL o Mindanao Islamic Telecom ang Udenna.

Read more...