WATCH: 2 pulis nasasangkot sa panibagong kaso ng rape

Isa Avendaño-Umali

Galit na galit si National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar sa dalawang pulis-Novaliches na suspek sa panggahahasa sa isang inarestong babae dahil sa illegal gambling.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Superintendent Joselito Esquivel, ang dalawang rookie cop ay sina PO1 Jayson Portuguez at PO1 Severino Montalban, na kapwa nakatalaga sa QCPD Station 4.

Sinabi ng biktimang babae na si Portuguez ang siyang pumilit sa kanya na gumawa ng sexual acts sa loob ng isang police mobile nito lamang weekend. Si Montalban naman ang unang nanggahasa raw sa babae, kapalit ang kanyang kalayaan.

Si Portuguez ay inaresto, habang si Montalban ay kusang sumuko. Ang dalawa ay nahaharap sa RA 8353 o the New Anti-Rape Law.

Ayon kay Eleazar, nakakadismaya ang ginawa ng dalawang bagitong pulis, lalo’t kamakailan lamang ay laman din ng balita ang panghahalay ng isang pulis-Maynila sa anak ng mga drug suspect.

Read more...