Pagkikita nina Duterte at Pinay OFW na nailigtas sa death row sa UAE, naging emosyonal
Naging emosyonal ang pagkikita nina Pangulong Rodrigo Duterte ay overseas Filipino worker (OFW) na si Jennifer Dalquez sa Malacañang.
Si Dalquez ang Pinay worker na kababalik lamang sa Pilipinas matapos mapawalang-sala sa kasong murder at naialis sa death row sa United Arab Emirates.
Sa mga larawang inilabas ng Malacañan, makikita si Dalquez na umiiyak habang yakap-yakap si Duterte.
Sa isang cabinet meeting Martes ng gabi, isiniwalat ng pangulo na nagbabala siya sa UAE na magpapatupad ng deployment ban sakaling ituloy ang pagbitay sa UAE.
Sa isang tweet, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration chief Hans Leo Cacdac, na handa ang pangulo na maging ‘shoulder to cry on’ para kay Dalquez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.