8 taong kontrol ng Republicans sa US Congress nabawi ng Democrats

By Len Montaño November 08, 2018 - 12:06 AM SHARE(S):

Nabawi ng Democrats ang US Congress matapos manalo ang ilan nilang mga bagong kandidato.

Sinasabing ang take-over ng Democrats ang mabibigay-daan sa mga imbestigasyon kay US President Donald Trump.

Dahil dito ay natapos na ang 8 taong kontrol ng Republican simula noong 2010.

Nakuha ng Democrats ang hindi bababa sa 20 GOP-held districts sa buong bansa para ma-secure ang 2018 seats na kailangan para sa mayorya.

Ilang pwesto pa ang hindi nadedesisyunan kaya maaaring lumaki pa ang sakop ng majority Democrats.

Samantala, kontrolado pa rin ng Republicans ang Senado pero ang resulta sa House of Representatives ay pwedeng mangahulugan na mahihirapan umano ang agenda ni Trump.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.