PNP iginiit na testigo sa Sagay massacre ang dinukot na menor de edad

Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na dinukot ng abogado ng isang human rights group ang testigo sa masaker sa siyam na magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental.

Ayon kay PNP Wester Visayas director Chief Superintendent John Bulalacao, sadyang tinangkang dukutin ang 14 anyos na testigo ni Atty. Katherine Panguban, miyembro ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) at abogado ng grupong Karapatan.

Ang menor de edad ay ikinukunsiderang pangunahing testigo sa pagpatay sa siyam na miyembro ng National Federation of Sugar Workers noong October 20.

Pahayag ito ng pulisya matapos itanggi ng ina ng binatilyo na ang kanyang anak ay dinukot ni Panguban.

Sinabi ni Bulalacao na hinarangan ng abogado ang pagtestigo ng menor de edad laban sa mga suspek sa masaker.

Sinampahan na anya ng Bicol Police Regional Office ng kasong kidnapping at illegal detention si Panguban sa Sagay City Prosecutor’s Office.

Read more...