DOH umaasang mas kaunti ang firecracker-related injuries ngayong taon

By Rhommel Balasbas November 08, 2018 - 01:32 AM

INQIURER FILE

Positibo ang Department of Health (DOH) na mas kaunti ang maitatalang fire-cracker related injuries sa papalapit na holiday season.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Memorandum Order 31 na nag-uutos sa Philippine National Police (PNP) na istriktong ipatupad ang mga batas tungkol sa paggawa, pagbebenta at paggamit ng mga paputok.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, welcome sa kanila ang kautusan ng pangulo at magpapalakas ito sa kanilang kampanya kontra firecracker injuries ngayong taon.

Iginiit ni Duque na ang kautusan ay muling nagpapakita sa political will ng presidente.

Patuloy anya na aabutin ng DOH ang kanilang layuning makapagtala ng zero firecracker-related injuries.

Dahil dito, muling hinikayat ng kagawaran ang publiko na gumamit na lang ng ibang alternatibong pampaingay sa paggunita ng holiday season para matiyak ang kaligtasan ng mga kabataan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.