NBI inutusang imbestigahan ang pagkamatay ni Atty. Benjamin Ramos
Ipinag-utos na ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagpatay sa abogadong si Atty. Benjamin Ramos noong Martes.
Partikular na pinatitingnan sa NBI kung may kaugnayan ba ang pamamaslang sa abogado sa naganap na masaker sa siyam na magsasaka sa Sagay City.
Ito ay matapos kumpirmahin mismo ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na bahagi si Ramos ng team na ipinadala para tumulong sa mga biktima ng naturang masaker.
Samantala, mariing kinondena ni Western Visayas o Police Regional Office 6 Direcort Chief Supt. John Bulalacao ang pamamaslang sa abogado.
Sa isang pahayag, ipinangako ni Bulalacao sa pamilya ni Ramos ang malalim na imbestigasyon sa kaso at ang mabilisang paghuli sa mga nasa likod ng krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.