Kawalan ng aksyon ng gobyerno sa pagpatay sa mga abogado, pinuna ni Sereno

By Rhommel Balasbas November 08, 2018 - 12:56 AM

Nagbabala si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno tungkol sa nagaganap na pagpatay sa mga human rights lawyers.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sereno na ang gobyernong hindi umaaksyon sa talamak na pagpatay sa mga abogado ay kumikitil sa pag-asa na magkaroon ng makatarungan at makatao na hinaharap.

Giit ni Sereno, ang kawalan ng aksyon ng pamahalaan ay hindi lamang pumapatay sa mga mamamayan at kanilang tagapagtanggol kundi maging mismong sa ‘rule of law’.

Ipinahayag ito ng dating punong mahistrado matapos ang pagpatay kay Atty. Benjamin Ramos sa Kabankalan, Negros Occidental.

Si Ramos ay isa sa mga abogado ng mga biktima ng Sagay Massacre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.