Pulis patay sa ambush sa Quezon City

By Justinne Punsalang November 08, 2018 - 04:53 AM

Contributed photo

Dead on the spot ang isang pulis matapos itong tambangan sa panulukan ng Kalayaan at V. Luna Avenue na sakop ng Barangay Malaya, Quezon City.

Kinilala ang nasawing pulis na si PO3 Rufino Gabis, 47 taong gulang at nakatalaga sa District Headquarters Service Support Unit ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon sa QCPD – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), minamaneho ni Gabis ang isang puting SUV nang habang nakatigil dahil sa stop light ay nilapitan ito ng riding in tandem.

Bumaba sa motorsiklo ang isang lalaki at malapitang pinaulanan ng bala ang pulis bago agad na tumakas sakay ang isang motorsiklo.

Tama ng bala sa leeg ang tumapos sa buhay ni Gabis.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente, partikular ang motibo sa pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.