Rico J. ihahatid na sa kanyang huling hantungan ngayong araw

By Justinne Punsalang November 08, 2018 - 02:50 AM SHARE(S):

Sa huling gabi ng lamay ng singer na si Rico J. Puno sa Forbes Park ay dumating ang mga kaibigan nito sa show business.

Nagsagawa ng tribute concert ang mga personalidad sa Philippine music industry upang alalahanin ang kontribusyon ng singer sa music scene ng bansa.

Kabilang sa mga dumating at nagpahiram ng kanilang boses sina Ogie Alcasid, Martin Nievera, Dulce, at Angeline Quinto.

Ngayong araw nakatakdang ihatid sa huling hantungan ang OPM legend.

October 30 nang bawian ng buhay si Rico J. matapos atakihin sa puso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.