Ikatlong sunod na panalo naitala ng La Salle sa UAAP men’s basketball

By Justinne Punsalang November 08, 2018 - 12:48 AM SHARE(S):

Patuloy ang magandang laro ng De La Salle University Green Archers para sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament.

Ito’y matapos nilang talunin ang National University Bulldogs sa iskor na 84-77.

Ikatlong sunod na panalo ito ng koponan sa nalalapit na pagtatapos ng round robin elimination round ng torneo.

Dahil sa pagkapanalo ng La Salle ay nananatili ito sa ikatlong pwesto na may 8-4 win-loss record.

Ang NU naman ay opisyal nang hindi makakapasok sa Final Four dahil sa win-loss record na 3-9.

Si Santi Santillan ang nanguna sa Archers sa pamamagitan ngkanynag 18 puntos at limang rebounds.

Tig-13 puntos naman ang ibinigay nina AlJun Melecio at Andrei Caracut.

Samantala, para sa Bulldogs, si Dave Ildefonso ang nanguna na mayroong 20 points.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.