Suspek sa pagnanakaw at panghahalay nasawi sa engkwentro sa Isabela

By Justinne Punsalang November 08, 2018 - 03:45 AM

Napatay ng mga pulis sa isang shootout ang isang lalaki sa Barangay San Miguel sa bayan ng Ramon, Isabela.

Kinilala ang lalaki na si Rolly Eguid, na suspek sa panloloob sa isang computer shop noong nakaraang buwan, kung saan isang babae ang hinalay.

Ayon kay Isabela Provincial Police director, Senior Superintendent Mariano Rodriguez nagtayo ng checkpoint ang mga otoridad sa lugar ngunit imbess na tumigil ay humarurot pa ng patakbo ng kanyang motorsiklo si Eguid na mayroong angkas na isa pang lalaki.

Tinugis ng mga pulis si Eguid na naunang nagpaputok ng baril sa mga ito.

Gumanti ng putok ang mga otoridad, na ikinasawi ng suspek, habang nakatakas naman ang kanyang kasama.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang handgun na kargado ng mga bala at P22,268 cash.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.