Southern Leyte at Davao Occidental, niyanig ng lindol
Niyanig ng halos magkasunod na lindol ang Davao Occidental at Southern Leyte, Miyerkules ng gabi.
Unang naganap ang pagyanig na may lakas na magnitude 3.5 sa Cabalian, Southern Leyte alas-10:41 ng gabi.
Ang episentro nito ay sa layong siyam na kilometro Timog -Silangan ng Cabalian.
May lalim itong 12 kilometro.
Alas-10:56 naman nang tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa layong 179 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 33 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman inaasahan ang aftershocks.
Wala ring naitalang pinsala sa mga ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.