Pagbuo ng Department of Culture sinimulan na sa Senado

Isinusulong sa Senado ang panukala na bubuo sa Department of Culture.

Laman ng Senate Bill number 1528 ni Sen. Chiz Escudero na sasakupin ng panukala ang kasalukuyang National Commission for Culture and Arts (NCCA) kabilang na ang mga panukalang saklaw ng reorganisasyon nito.

Layunin ng panukala na isulong ang pagpapa-unlad ng kulturang Pinoy para sa makabagong panahon.

Sinabi ni Escudero na sampung mga kasamahan sa Senado ang nagbigay na ng suporta sa nasabing panukalang batas.

Ang aspeto ng kultura ay dating saklaw ng binuwag na Department of Education, Culture and Spors (DECS) noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Tumatayo namang co-author sa panukala sina Senators Juan Miguel Zubiri, Loren Legarda, Nancy Binay, Sonny Angara, JV Ejercito, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Bam Aquino at Risa Hontiveros.

Read more...