DOE: Supensyon ng excise tax sa petrolyo tuloy sa 2019

By Chona Yu November 07, 2018 - 04:14 PM

Nilinaw ng Department of Energy na tuloy pa rin ang suspensyon ng paniningil ng excise tax sa produktong petrolyo sa susunod na taon.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Energy Sec. Alfonso Cusi na ito ay kahit nasa mahigit $70 kada bariles na lamang ang presyo ng produktong petrolyo sa world market.

Sa ilalim ng train law, maari lamang suspendihin ang paniningil sa excise tax kapag pumalo na sa $80 kada bariles ang presyo ng produktong petrolyo sa loob ng tatlong buwan.

Gayunman, sinabi ni Cusi na oras na maipatupad na ang suspension sa excise tax sa 2019 ay agad na magsasagawa ng pag-aaral ang economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte para alamin kung hanggang kailan iiral ang suspension.

Magugunitang isinisi ng oposisyon sa excise tax ang paglobo ng inflation sa bansa na may kaugnayan pa rin sa implementasyon ng Train Law.

TAGS: BUsiness, cusi, diesel, Energy, excise tax, gasoline, Inflation, BUsiness, cusi, diesel, Energy, excise tax, gasoline, Inflation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.