Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong buwan
May pagtaas sa singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Nobyembre.
Ayon sa Meralco, nasa P0.1135 per kilowatt hour ang nakatakdang pagtaas sa singil na mararamdaman ng mga consumer sa November bill.
Ang naturang dagdag singil ay katumbas na dagdag na bayarin na P22.70 para sa mga kumokonsumo ng 200 kilpwatt hour kada buwan.
P34.05 naman ang dagdag sa bill kung ang konsumo ay 300 kilowatt hour kada buwan, P45.40 sa mga ang konsumo ay 400 kilowatt hour kada buwan at P56.75 kung ang konsumo ay umaabot sa P500 kilowatt hour kada buwan.
Paliwanag ng Meralco, pangunahing dahilan ng pagtaas ng singil ay ang mataas na halaga ng kuryente sa spot market.
Maliban dito, tumaas din ang power consumption sa buwan ng Oktubre dahil sa mainit na panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.