Drug personalities na nasentensyahan sa bansa, hindi bibigyan ng parole ni Pang. Duterte

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng parole ang mga drug personalities na nasentensyahan sa bansa.

Ayon sa pangulo, hindi siya gagaya sa Amerika na binibigyan ng commutation o pinaiiksi ang sentensya ng mga drug personalities.

Naniniwala ang pangulo, na patuloy lamang na mamayagpag ang oeprasyon ng ilegal na droga kung bibigyan ng parole ang mga drug personalities.

Read more...