Nationalist People’s Coalition tatlo pa lang ang kandidato

By Jan Escosio November 07, 2018 - 12:23 PM SHARE(S):

Nananatiling tatlo pa lang ang senatorial candidates ng Nationalist People’s Coalition.

Ito ang sinabi ni Senate President Tito Sotto III, senior adviser ng partido.

Aniya tanging sina Senators Grace Poe at JV Ejercito, gayundin si dating Senator Lito Lapid ang kanilang kandidato sa 2019 senatorial race.

Ayon pa sa senador umaasa siya na sa darating na Biyernes ay mailalabas na nila ang listahan ng mga senatoriables na kanilang susuportahan.

May pag-uusap na sa kanilang partido aniya na walo hanggang siyam ang pangalan na kanilang susuportahan para may mga maari pang suportahan ng hiwalay ang kanilang mga kapartido.

Banggit pa ni Sotto nanatiling ang NPC pa rin pangalawang pinakamalakas na partido sa bansa kung bilang ng miyembro ang pag-uusapan.

TAGS: midterm elections, nationalist people's coalition, NPC, Senatorial line-up, midterm elections, nationalist people's coalition, NPC, Senatorial line-up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.