DILG Sec. Año suportado ang martial law extension sa Mindanao
Suportado ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Año, batay sa feedback na nakukuha nila mula sa mga residente sa rehiyon, nais nilang manatili pa ang batas militar doon.
Dagdag pa ng opisyal, wala namang pang-abuso sa kasagsagan ng martial law sa rehiyon.
Sa katapusan ng Nobyembre, sinabi ni Año na magsasagawa sila ng pulong sa Davao na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte at lahat ng Regional Peace and Order Councils (RPOCs) sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa nasabing pulong bubuo ng concensus kung ano ang ibibigay na rekomendasyon sa pangulo sa pag-iral ng martial law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.