NEDA tiwalang 6.5% lang ang maitatalang inflation rate ngayong Nobyembre
Tiwala si Economic Planning Secretary Ernesto Pernia na bahagyang maiibsan ang inflation ngayong buwan ng Nobyembre.
Ito ay dahil sa epekto ng Administrative Order Number 13 na nagpapagaan sa importayson ng agricultural goods.
Ani Pernia, malaki ang magiging epekto sa inflation ng AO13 dahil mapapababa nito ang presyo ng bigas, isda at karne.
Ayon kay Pernia, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing AO noong Oktubre pero ang epekto bito ay hindi pa nag-reflect sa October inflation.
Maari aniyang ngayong buwan ng Nobyembre makapagtala lang ng 6.5% na inflation rate dahil sa nasabing AO.
Una rito sinabi ng NEDA na nananatili sa 6.7% ang October inflation na kapantay lamang noong September.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.