Ilang bahagi ng Metro Manila, mga kalapit na lalawigan inulan

Nakaranas ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa rainfall information na inilabas ng PAGASA, alas 10:40 ng umaga, mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang naranasan sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Apektado rin ang Doña Remedios sa Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna at ang bayan ng Real at Mauban sa Quezon.

Alas 11:12 naman ng umaga nang maglabas muli ng rainfall information ang PAGASA at sinabing nakararanas ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang Las Piñas City, Muntinlupa, Taguig, Pasay at Parañaque.

Sakop rin sa ikalawang abiso ang Rizal, Cavite, Laguna at mga bayan ng Sampaloc, Mauban, Real, at Candelaria sa Quezon.

Sa ilalim ng rainfall information, ang pag-ulan ay tatagal ng 1 hanggang 2 oras mula nang ipalabas ang abiso.

Read more...