Nash Aguas, Sharlene San Pedro, iba pang Goin’ Bulilit stars nag-reunion sa “Class of 2018”

By Josh Mercado-Wow It's Showbiz November 07, 2018 - 10:50 AM SHARE(S):
Kuha ni Joshua Mercado

Suportado ng fans, mga kaibigan, pamilya, at celebrities ang premiere night ng pelikulang handog ng TRex Entertainment, na “Class of 2018” na ginanap Martes (Nov. 6) ng gabi.

Ang naturang pelikula ay pinagbibidahan nina Nash Aguas at Sharlene San Pedro kasama ang iba pang Goin’ Bulilit stars.

Mala-zombie movie ang pelikula sa direksyon ni Charliebebs Gohetia na sya ring nag-direk ng katatapos na “Bagyong Bheverlynn.”

Sa bagong offering ng TRex, mapapansin agad ang istilo ng direktor na hitik sa visuals at maayos ang pagkakalapat ng musika.

Pang barkada ang pelikula dahil tampok dito ang kwento ng magkaklase na nag-field trip at natuklasan ang kakaibang proyekto ng gobyerno noong 80’s at ang pagkalat ng virus na sumira ng kanilang buhay.

Gulat, tawa, kilig at halu-halong emosyon ang ipinakita sa pelikula na nagustuhan ng mga tagahanga ng Goin’ Bulilit stars.

Malakas din ang chemistry ng dalawang bida na sina Nash at Sharlene at tuwing may mga eksena sila ay nagsisigawan ang mga fans.

Naging consistent din ang young female star sa kanyang emosyon.

Isa rin sa mga consistent at nakitaan ng galing ay si Kristel Fulgar habang patok din sa mga manonood si Kiray Celis na ginampanan ang papel ng isang ‘mean girl’ sa klase.

Sigurado namang kasama sa magugustuhan ng masa sa nasabing pelikula ang pagganap ni Ms. Yayo Aguila.

Showing na ngayong araw ang “Class of 2018” na may handog ding magandang aral sa mga manonood ang pelikula.

TAGS: class of 2018, Nash Aguas, Sharlene San Pedro, class of 2018, Nash Aguas, Sharlene San Pedro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.