Pagsusumite ng selection documents para sa 3rd telco natapos na; 3 kumpanya ang lumahok sa bidding

Kuha ni Jong Manlapaz

Isinara na ang proseso para sa pagsusumite ng selction documents sa mga kumpanyang nais lumahok sa bidding process sa pagpili ng magiging 3rd telco sa bansa.

Ang pagsusumite ng selection documents ay nagbukas alas 8:00 ng umaga at isinara ganap na alas 10:00 ng umaga.

Matapos ang proseso, kabilang sa mga nakapagsumite ng requirements at mga dokumento ang mga kumpanyang:

1. Udenna Corporation na ka-partner ng China Telecom
2. PT&T
3. TierOne Consortium

Ang Now Telecom ay nagpasyang huwag nang magsumite ng bidding documents base sa payo ng kanilang abugado.

Maging ang KT Corporation/Converge ay nagdesisyon din na mag-back out at hindi na sumali sa bidding.

Read more...