29 na ilegal na nagingisda sa Cavite, inaresto ng PCG

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2018 - 10:24 AM

PCG Photo

Aabot sa 29 na mga mangingisda ang inaresto ng mga tauhan ng Coast Guard Station (CGS) sa Cavite at Coast Guard Special Operations Force (CGSOF) sa karagatang sakop ng Puerto Azul, Ternate, Cavite.

Namataan ng mga tauhan ng coast guard ang Fishing boat na “Bhenlita II” na nangingisda gamit ang pabilog na lambat sakay ang boat operator nitong si Norberto Jagoansi Jr., 38 anyos at 18 pang mangingisda.

Nang inspeksyunin ang bangka, natuklasan na wala silang isinumiteng Master’s Declaration of Safe Departure sa Coast Guard Sub-Station sa Rosario, Cavite bago naglayag. Hindi rin ito napagkalooban ng clearance ng coast guard bago pumalaot.

Dahil dito, agad dinakip ang 19 na mga mangingisda.

Habang inaasistihan sila ng coast guard namataan naman ang isa pang bangka na FB John Dexwin na may lulan ding mangingisda.

Dinakip din ng coast guard ang operator ng bangka na si Fernando Teaño at 9 na mga crew nito dahil sa pangingisda gamit ang “trawling” bilang pamamaraan.

Sinampahan ng kasong paglabag sa local fishing ordinance ng Ternate ang mga mangingisda.

TAGS: philippine coast guard, Radyo Inquirer, Ternate Cavite, philippine coast guard, Radyo Inquirer, Ternate Cavite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.