Mga pantalan sa bansa gusto ring pabantayan sa militar ni Pang. Duterte

By Chona Yu November 07, 2018 - 10:01 AM

Hindi lamang sa main office ng Bureau of Customs sa Port area Manila ang target ni Pangulong Rodrigo Duterte na lagyan ng mga sundalo kundi maging ang lahat ng mga pantalan sa bansa.

Ayon sa pangulo, kahit isang maliit na unit lamang ng mga sundalo ay sapat na para magbantay sa mga pantalan.

Nais kasi ng pangulo na masiguro na hindi na malulusutan ang mga taga BOC ng shabu shipment.

Pagtitiyak ng pangulo, magiging malalim na ang operasyon ng pamahalaan at papasukin ang mundo ng mga sindikato na nagpapasok ng mga kontrabando sa bansa.

Sinabi pa ng pangulo na balang araw tiyak na mananagot sa bansa ang mga smuggler lalo na ang mga nagpapasok ng shabu sa Pilipinas.

“I want a similar setup in the provinces, maski na ‘yung maliit, that a little over — ah little just like one unit to keep watch. Itong mga y*** na ito. Ang ayaw ko lang diyan is that ako ang nandito sa gobyerno, ako ‘yung… Pati rin kayo mapalusotan kayo ng mga g***. So we’ll go deep and we will bury them deep also,” ayon sa pangulo.

Matatandaang unang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na bantayan ang operasyon ng BOC sa Port area Manila.

TAGS: BOC, customs, manila, port area, shabu shipment, BOC, customs, manila, port area, shabu shipment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.