Customs hindi na malulusutan ng shabu sa ilalim ng pamumuno ni Guerrero – Malakanyang

By Chona Yu November 07, 2018 - 09:57 AM

Umaasa ang Malakanyang na hindi malulusutan ng iligal na droga o iba pang kontrabando si bagong Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiyak na matututo si Guerrero sa mga pagkakamali nina dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na nalusutan ng P6.4 billion na shabu shipment at Isidro Lapeña na nalusutan naman ng P6.8 billion na shabu shipment.

Pagtitiyak ni Panelo, hindi habambuhay na makalulusot sa BOC ang mga kontrabando na iligal na ipinapasok sa bansa.

Sinabi pa ni Panelo na tiyak na may mga hakbang ng inilatag si Guerrero para hindi matulad sa kapalaran nina Faeldon at Lapeña.

TAGS: customs, Rey Guerrero, shabu shipment, customs, Rey Guerrero, shabu shipment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.