Abugadong umaasiste sa mga magsasaka sa Sagay, Negros Occ patay sa pamamaril
Nasawi sa pananambag ang isang human rights lawyer sa Kabakanlan, Negros Occidental.
Tinambangan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo si Atty. Ben Ramos na secretary general ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL)-Negros habang nakatayo sa harapan ng tindahan.
Noong April 2018, ang pangalan ni Ramos ay napasama sa listahan ng mga sinasabing miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa ipinakalat na flyers sa Negros.
Nagsilbi ring abogado ng tinaguriang “Mabinay 6” si Ramos at kabahagi ng Quick Reaction Team na umaasiste sa mga magsasaka sa Sagay.
Ayon kay NUPL President Edre Olalia, pinupuntahan ng personal ni Ramos ang mga pisante, mga environmentalist, aktibista at political prisoner para asistihan ng “pro-bono” o walang bayad.
Noon pa aniya ay nakatatanggap na ng banta sa buhay si Ramos at iba pang NUMP lawyers at officers dahil pinagbibintangan silang makakaliwa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.