Kopya ng wage order para sa dagdag sahod sa NCR isinapubliko na ng wage board

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2018 - 09:37 AM SHARE(S):

Isinapubliko na ngayong araw ng Miyerkules (Nov. 7) ng National Wages and Productivity Board ang kopya ng wage order na nagdaragdag ng P25 sa minimum wage sa Metro Manila.

Dahil dito, magiging epektibo ang wage hike sa Metro Manila sa Nov. 22.

Nakasaad sa wage order na ang mga manggagawa sa non-agriculture sector sa NCR ay tatanggap na ng minimum na arawang sahod na P537 mula sa dating P512.

Ang mga nasa agricultural sector naman, at mga nasa retail/service establishments lamang 15 empleyado pababa at manufacturaing establishments na may 10 empleyado lamang at pababa ay tatanggap ng P500 na minimum na sweldo.

 

TAGS: Metro Manila, wage hike, wage order, Metro Manila, wage hike, wage order

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.