Kapitan ng barangay na nanakit ng estudyante sa Maynila kakasuhan ng DILG
Sasampahan ng kasong administratibo ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kapitan ng barangay sa Maynila na nanakit ng estudyante.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, bilang public servant mali ang pag-aabuso sa posisyon lalo na ang pananakit ng constituents.
Pinag-aaralan ngayon ni Año kung sa Office of the Ombudsman isasampa ang reklamo para agad masuspinde si Brgy. Chairman Felipe Falcon Jr..
Umapela naman si Año kay Falcon at sa mga kagawad ng barangay na sangkot sa pananakit na sumuko na.
Kailangan aniya panagutan ng mga ito ang kanilang ginawa at harapin ang kanilang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.