Voucher program ng DepEd, inilunsad

By Jay Dones November 09, 2015 - 04:28 AM

 

deped logoSimula ngayong araw, tatanggap na ng mga application ang Department of Education para sa voucher program para sa unang batch ng mga senior high school students sa susunod na taon.

Sa ilalim ng naturang programa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga mapipiling mga estudyante na mapagkalooban ng hanggang P22,500 bilang pandagdag sa tuition fee.

Magagamit ang voucher sa pag-eenrol ng mga estudyante sa isang private high school, state local university o local college o kahit sa isang technical-vocational school para sa mga Grade 11 students.

Uumpisahan na ng DepEd ang full implementation ng K to 12 program sa pagpasok ng mga estudyante sa senior high school.

Samantala, ang mga junior highschool students na nasa mga probadong paaralan na dati nang tumatanggap ng education service contracting o ESC ay maari pa ring mag-apply para sa voucher program.

Gayunman, sa halip na P22,500, tatanggap ang mga ito ng P18,000 o katumbas ng 80% ng kabuuang halaga ng voucher.

Ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon ay itinakda ng Kagawaran sa January 15 para sa mga manual sumbissions samantalang February 12 naman sa magsusumite ng application online.

Ilalabas ng DepEd Private Education Assistance Committee ang opisyal na listahan mga magiging benepisyaryo ng programa sa March 18.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.