Kapitan ng barangay na nanakit ng estudyante, pinaaaresto ni Mayor Erap

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2018 - 08:51 AM

FB Photo

Ipinaaaresto ni Manila Mayor Joseph Estrada ang kapitan ng barnagay at ilan niyang kagawad na nanakit sa isang 16 anyos na estudyante.

Sinaktan umano Kapitan Felipe Falcon Jr., ng Brgy. 350, Tondo Maynila ang biktima matapos na magkamali ito ng tawag sa kaniya at sa halip na ‘kapitan’ ay tinawag siyang ‘kagawad’.

Hinimok din ni Estrada ang pamilya ng estudyante na ituloy ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa kapitan para matanggal ito sa pwesto.

Inatasan na ni Estrada ang legal office ng City Hall para bigyan ng legal assistance ang grade 9 student na nagtamo ng sugat sa katawan matapos saktan ni Falcon at ilan niyang kagawad.

Nakainom umano si Falcon nang mangyari ang insidente at gamit ang bakal ay pinagpapalo nito ang estudyante.

Sa direktiba ni Mayor Erap kay Manila Police District Director Chief Superintendent Rolando Anduyan, ipinag-utos nitong hanapin si Falcon at pasagutin sa reklamo.

Naghain na ng reklamo sa MPD ang tatay ng biktima.

TAGS: barangay captain, manila, Radyo Inquirer, barangay captain, manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.