11 batang babae na sangkot sa mga kaso nakatakas mula sa Manila Youth Reception Center
Nakatakas sa kostodiya ng Manila Youth Reception Center (MYRC) ang aabot sa 11 na mga menor de edad na babae na pawang may mga paglabag.
Naganap ang pagtakas alas 3:00 ng madaling araw ng Miyerkules (Nov. 7) mula sa MYRC sa Arroceros sa Maynila.
Batay sa inisyal na mpormasyon, ang mga batang nakatakas ay mga kinahaharap na paglabag na may kaugnayan sa illegal drugs, sugal, snatching at iba pang krimen.
Ang mga batang tumakas ay nasa pangangalaga ng “Mahinhin Dormitory” na nasa ikalawang palapag ng MYRC.
Nilagare umano ang rehas ng bakal at saka dumaan sa bakod sa likuran ang mga bata sa bahagi ng Ilog Pasig.
Iniimbestigahan na ngayon ng mga tauhan ng City Security Force ng Manila City Hall ang nangyaring pagtakas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.