VIRAL: Pinoy at mga kaklase niyang Israeli inawit ang “Star ng Pasko”

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2018 - 08:20 AM SHARE(S):

Viral ngayon sa You Tube at Facebook ang pag-awit ng isang batang Pinoy na lumaki sa Israel kasama ang kaniyang mga Israeli na mga kaklase habang inaawit ang Christmas station ID ng ABS-CBN na “Star ng Pasko”.

Sa video, kinanta ni Joshua Lopez ang unang dalawang verse ng awitin. At pagsapit ng chorus ay sinabayan na siya ng kaniyang mga kaklase.

Ang mga magulang ni Joshua ay parehong Pinoy pero sa Israel na ito lumaki.

Nanonood noon sa performance ng klase ang mayor ng Jerusalem na si Nir Barkat at mga guro ng paaralan at mga magulang.

TAGS: Filipino Student in Israel, israeli students, Joshua Lopez, Filipino Student in Israel, israeli students, Joshua Lopez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.