Mandatory pregnancy test sa Pines City Colleges binubusisi na ng CHED
Binubusisi na ng legal department ng Commission on Higher Education (CHED) ang memorandum ng Pines City Colleges na nagpapatupad ng mandatory pregnancy test sa kanilang mga estudyante.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera, inatasan na niya ang legal office na alamin ang tungkol sa dokumentong kumakalat sa social media.
Sa ilalim ng administrative rule ng CHED, ang nagrereklamo ay kailangang dumulog muna mismo sa inirereklamong paaralan bago dumerekta sa komisyon.
At ayon kay De Vera, kung pakiramdam ng mga mag-aaral ay hindi paborable sa kanila ang polisiya ng unibersidad o kollehiyo ay maari na silang magtungo sa CHED para magreklamo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.