Mga botante sa Amerika pumila ng mahaba para makaboto
Umarangkada na ang eleksyon sa Estados Unidos.
Sa kabila ng hindi magandang panahon, humaba ang pila sa mga polling places sa dami ng nais na makaboto.
Ilang oras matapos magbukas ang halalnan may ilang napaulat naman na technical problem, gaya na lamang ng sa Goergia.
Nagsara ang botohan alas 6:00 ng gabi ng Martes eastern time, alas 7:00 naman ng umaga oras dito sa Pilipinas.
Matapos ito ay inaasahan na agad ding malalaman ang resulta ng eleksyon.
Naglalaban ang Republicans at Democrats para makontrol ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa Amerika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.