5 menor de edad huli sa pagnanakaw sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2018 - 06:54 AM SHARE(S):

Arestado ang limang binatilyo na pawang sangkot sa pagnanakaw sa Maynila.

Sa Juan Luna Street sa Tondo, nadakip ang apat na binatilyo na nasa edad 13 hanggang 16 dahil sa pang-aagaw sa cellphone ng isang biktima.

Kwento ng biktima, sakay siya ng jeep nang tangayin ng mga suspek ang kaniyang cellphone.

Dalawa sa mga suspek ay nahabol ng mga tao at ang dalawa pa ay naaresto sa follow up operation ng mga pulis.

Samantala, sa Malate Maynila nahuli naman ang isang 16 anyos na binatilyo na ginagamit ng sindikato para magnakaw ng motorsiklo.

Limang motorsiklo na umano ang nagawang manakaw ng nasabing binatilyo na tubong Davao pa at dinala lang sa Maynila.

Agad ibinigay sa pangangalaga ng barangay ang suspek dahil sa pagiging menor de edad.

TAGS: malate, manila, Robbery, suspect, Tondo, malate, manila, Robbery, suspect, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.