Pines City Colleges nanindigan sa polisyang mandatory pregnancy test sa mga babaeng estudyante
Nanindigan naman ang Pines City Colleges sa polisiya nitong mandatory pregnancy test sa mga babaeng estudyante.
Ito ay kahit inulan ng batikos sa social media ang kanilang memorandum.
Sa kanilang pahayag sinabi ng paaralan na mananatili ang polisiya nila sa pagpapasailalim sa pregnancy test sa mga estudyante na mag-e-enroll sa subject na maaring makaapekto o maglagay sa panganib sa isang ina at kaniyang sanggol na ipinagbubuntis.
Sinabi ng paaralan na bahagi ito ng pagbibigay proteksyon sa kanilang mga mag-aaral lalo na sa mga estudyante na nasa bahagi na ng knailang internship programs sa mga ospital.
Dagdag pa ng paaralan, ang naturang polisiya ay sinasang-ayunan ng mga estudyante sa sandaling sila ay mag-enroll sa eskwelahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.