M3.0 na lindol naitala sa Surigao del Sur

By Rhommel Balasbas November 07, 2018 - 05:29 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-4:13 kaninang madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong walong kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Carrascal.

May lalim ang pagyanig na 122 kilometro.

Tectonic ang dahilan nito at hindi naman nagdulot ng aftershocks.

Hindi rin inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.