Walang namamataang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Sa 4am weather advisory ng PAGASA, patuloy na makararanas ng mainit at maalinsangang panahon dahil sa umiiral na Easterlies.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat na minsan ay may kalakasan sa buong Palawan, Eastern Visayas, Central Visayas at CARAGA region dahil sa epekto ng Easterlies.
Ibinabala ng PAGASA ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa ang pag-ulan sa nasabing mga lugar.
Sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay makararanas ng mainit na panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, hindi nararamdaman ngayon ang northeast monsoon o hanging Amihan ngunit posibleng sa Biyernes ay muli na itong umihip sa extreme northern Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.