P31.8M jackpot ng Lotto 6/42, napanalunan

By Rhommel Balasbas November 07, 2018 - 12:25 AM SHARE(S):

Isang maswerteng mananaya ng PCSO Lotto 6/42 ang nagwagi sa higit P31.8 milyong jackpot kagabi.

Tumataginiting na P31,846,491 ang iuuwi ng isang bettor na nakakuha ng winning combination na 19-02-31-10-08-22.

Wala namang nanalo para sa Superlotto 4-69 na may jackpot na P46,687,007 at maging sa Ultra Lotto 6/58 na may jackpot na nagkakahalaga ng P49,500,000.

Ang winning combination sa 6/49 ay 44-21-47-34-06-40 habang sa 6-58 ay 43-58-21-54-23-22.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.