Pangulong Duterte itinangging ipinag-utos ang military takeover sa BOC

By Rhommel Balasbas November 07, 2018 - 02:58 AM

Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinag-utos niya ang military takeover sa Bureau of Customs.

Sa naganap na lecture sa gabinete sa Malacañang tungkol sa iligal na droga, sinabi ni Duterte na military intervention ang kanyang ipinag-utos para tulungan ang mga BOC personnel matapos ilagay sa floating status ang mga pinuno ng mga opisina at sections ng BOC.

Iginiit ng pangulo na wala siyang designation, appointment o pormal na kautusan na ibinigay sa militar para mag-take over sa trabaho ng mga empleyado ng ahensya.

“When I called in the Army, the Bureau of Customs, there was no designation, there was no appointment, and there was never an instruction for them to take over the functions of the employees,” ayon sa pangulo.

Matatandaang sa talumpati ng pangulo sa thanksgiving party ni dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa Davao City kamakailan, sinabi ng pangulo na lahat ng empleyado ng BOC ay nasa floating status at ipapalit ang mga tao mula sa militar.

“I want to put on notice everybody in the Bureau of Customs, they are all in floating status. Maybe start again working, but I said, they are all floating status. They will be replaced, all of them, by military men. It will be a takeover of the Armed Forces in the matter of operating, in the meantime, while we are sorting out how to effectively meet the challenges of corruption in this country,” ayon sa pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.