Rapper na si Mac Miller nasawi dahil sa drug at alcohol overdose — autopsy report

By Justinne Punsalang November 07, 2018 - 12:32 AM SHARE(S):
AP

Lumabas na ang resulta ng autopsy sa katawan ng American rapper na si Mac Miller ilang buwan matapos itong masawi.

Batay sa autopsy report, accidental overdose ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Ayon sa coroner’s report ng Los Angeles County, mixed toxicity ng tatlong magkakaibang substance ang natagpuan sa kanyang sistema.

Kabilang dito ang alak, cocaine, at matapang na uri ng opioid fentanyl.

Batay sa mga ulat, umaga ng September 7 nang makita ng kanyang assistant si Mac na walang malay. Sinubukan pa itong i-revive sa pamamagitan ng CPR ngunit idineklara na itong patay ilang minuto lamang matapos ang tawag sa 911.

Bago ang naturang insidente, vocal ang rapper sa kanyang nararanasang depression na kanyang ibinahagi sa kanyang mga komposisyon.

Ayon sa ina ni Mac, bago ito namatay ay nakausap pa niya ang anak sa telepono at mukha itong masaya at excited para sa kanyang gagawing bagong album at nakatakdang concert tour.

Naging kasintahan ni Mac ang singer na si Ariana Grande sa loob ng dalawang taon na natapos sa umpisa ng taong kasalukuyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.