Resignation ni Cardinal Quevedo tinanggap na ni Pope Francis; Bishop Lampon itinalaga sa pwesto
Tinanggap na ni Pope Francis ang resignation ni Cardinal Orlando Quevedo bilang arsobispo ng Cotabato.
Apat na taon na ang nakalilipas nang magsumite ng resignation ang 79-anyos na si Quevedo dahil sa naabot na nito ang 75 years old na mandatory age of retirement.
Dalawang buwan bago mag-75 anyos si Quevedo ay ginawa pa siyang Cardinal ng Santo Papa na kauna-unahan para sa Mindanao.
Kasabay ng pagtanggap sa resignation ay itinalaga namang kapalit ni Quevedo si Jolo Bishop Angelito Lampon.
Isinilang si Lampon sa M’lang, Cotabato noong 1950, itinalaga bilang apostolic vicar ng Jolo noong November 21, 1997 at kasalukuyang Chairman ng Commission on Ecumenical Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Kapwa nagmula sa congregation of the Oblates of Mary Immaculate (OMI) sina Quevedo at Lampon.
Samantala, hiniling ni Pope Francis na manatiling ‘apostolic administrator’ ng Cotabato si Quevedo hangga’t hindi nagaganap ang Rite of Canonical Installation ni Lampon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.