Ginebra tinambakan ang NLEX sa PBA Governor’s Cup semis

By Justinne Punsalang November 07, 2018 - 12:53 AM SHARE(S):

Pinataob ng Barangay Ginebra Gin Kings ang NLEX Road Warriors sa kanilang naging tapatan kagabi para sa 2018 PBA Governor’s Cup semifinals.

Natapos ang laro sa iskor na 111-75 pabor sa defending champion.

Lima sa mga manlalaro ng koponan ang nakapagtala ng double figures.

Nanguna dito si Japeth Aguilar na nakapagbigay ng 18 puntos at 10 rebounds.

Sinundan naman siya ni Greg Slaughter na nakapag-ambag ng 16 points.

Hindi rin nagpahuli si Justin Brownlee na may 13, at sina Sol Mercado na may 14, at Jeff Chan na nakapagtala ng 12 puntos.

Para naman sa Road Warriors, si Aaron Fuller ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 25 points at 12 rebounds.

Dahil sa pagkapanalo ng koponan ay nakatakdang silang magkaroon best-of-five series ng Magnolia Hotshots.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.