Pangulong Duterte magpapatupad dapat ng deployment ban sa UAE sakaling binitay si Jennifer Dalquez
Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabala siya sa pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE) na magpapatupad ng deployment ban sakaling bitayin si Jennifer Dalquez.
Matatandaang nakauwi na ang Pinay worker noong Nobyembre 2 na hinatulan ng parusang kamatayan matapos mapatay ang amo dahil sa pananangka umano nitong siya ay gahasain.
Sa Cabinet meeting sa Malacañang sinabi ng pangulo na ibinabala niya ang suspensyon ng employment sa UAE sakaling nabitay ang Pinay worker.
Kinumpirma ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III at sinabing mismong siya kasama si Philippine Overseas Employment Administration Administrator Hans Leo Cacdac ay tumungo ng Abu Dhabi para iparating sa UAE officials ang mensahe ng pangulo.
Ayon kay Bello, natakot ang UAE officials sa banta ng pangulo kaya’t binabaan ang sentensya para kay Dalquez at hindi pa man kumpletong naisisilbi ay napalaya na ito.
Noong May 20, 2015 nahatulayan ng parusang kamatayan si Dalquez ngunit bigo ang mga anak ng biktima na makadalo sa mga pagdinig kaya’t napawalang sala ng mga abogado ang Pinay worker.
Matatandaang nagpatupad kamakailan ng deployment ban si Pangulong Duterte sa Kuwait dahil sa mga ulat na pang-aabuso sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.